Bago Gamitin ang Pildoras

Tiyaking mabuti na ikaw ay lubusang nakakaalam at handa bago ito ipalaglag sa pamamagitan ng tabletas.

Calculator ng Pagbubuntis

Gaanong katagal ka na sa iyong pagbubuntis? Ipinapahiwatig ng mga pananaliksik na ang aborsiyon hinggil sa medisina ay kadalasang inirerekomenda para sa mga pagbubuntis bago sa 13 linggo magmula na iyong huling pagkakaroon ng regla. Gamitin ang calculator sa pagbubuntis para malaman kung gaano katagal ka na magmula nang iyong huling pagkakaroon ng regla.

Kung ang iyong huling regla ay nagsimula sa o pagkatapos:

Maaari mo pa ring isaalang-alang ang pagpapalaglag ng tablitas

Mga Konsiderasyon

Kapag ikaw ay may IUD

Kung mayroon kang intrauterine contraceptive device sa matris (hal. ang coil o ang progesterone na IUD) dapat mo itong tanggalin. Dapat tanggalin ang IUD bago uminom ng mga pildoras na pang-aborsiyon.

Kung ikaw ay namumuhay na may HIV

Kung namumuhay kang may HIV, siguraduhing lang na hindi lumalala ang kalagayan mo, umiinom ka ng mga gamot na antiretroviral at ang kalusugan mo ay maayos gayumpaman.

Kung ikay ay nababahala sa kaugnay na pribado

kung ikaw ay nag-alala tungkol sa pagpananatili ng iyong pagpalaglag bilang pribado hanggat maaari, ipatuloy ang tableta ng pagpapalaglag sa ilalim ng dila sa halip ng pang pekpek. Sa ilang bansa, maari kang maisumbong kung matagpuan ang mga pildoras sa iyong ari.

Kung ikaw ay nag-papadede

Kung nagpapasuso ka ng sanggol, maaaring magdulot ng pagtatae ang mga pildoras ng misoprostol sa sanggol. Upang maiwasan ito, pasusuhin ang sanggol, inumin ang mga pildoras ng misoprostol at maghintay nang 4 na oras bago ka muling magpasuso.

Kung ikaw ay may anemia

Kung ikaw ay may anaemia (mayroong mababang iron sa iyong dugo), kumilala ng health care provider na hindi tatagal nang 30 minuto ang layo na maaaring makatulong kung kailangan mo ito. Kung ikaw ay sorbing anaemic, magpakonsulta sa isang doktor bago gumamit ng pildoras na pang-aborsyon.

Pangkalahatang Payo

Isaalang-alang ang pag-inom ng ibuprofen bago ka gumamit ng misoprostol upang mabawasan ang pagkirot at pamimitig.

Kapag gagamitin mo ang mga pildoras na misoprostol, doon ka sa isang lugar (gaya ng iyong bahay) kung saan ay mayroon kang pagsasarili at maaaring humiga nang ilang oras pagkatapos mong gamitin ang pildoras kung gusto mo.

Uminom nang maraming tubig hanggang sa buong proseso.

Ang pagkakaroon ng kasamang isang tao na makapagbabantay sa iyo ay maaaring nakakatulong.

Kumain nang banayad (hal. ang mga kraker o tostadong tinapay na maaaring makatulong sa pagkahilo).

Gumawa ng planong pangkaligtasan bago gamitin ang mga pildoras napang-aborsyon sakaling kakailanganin mo ng emergency na tulong na medical.

Paggawa ng Planong Pangkaligtasan

Ayon sa American Congress of Obstetricians and Gynecologists, angd aborsiyon hinggil sa medisina na ginawa sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay isa sa pinakaligtas na mga pamamaraang medikal. Gayunpaman, dapat kang maging lagging handa sa anumang posibleng medikal na emergency. Isaalang-alang ang aming mgakatanungan sa ibaba para makatulong malikha ang iyong planong pangkaligtasan sakaling kailanganin mo ito.

Saan ang pinakamalapit na 24 na oras na Medical Center?

Kailangan mong makarating doon sa loob nangisang oras o mas maaga. (Kung mayroon kang anemia, dapat kang makarating doon sa loob nang 30 minuto.)

Paano ka makararating sa iyong medical center?

Mayroon bang taong sasama sa iyo na makapagmamaneho? Magta-taxi ka ba? Pampublikong sasakyan? Magkano ang magagasto dito at nakahanda ba ito nang 24-na oras? Tandaan, hindi ligtas na ikaw mismo ang magmaneho papunta sa ospital sa panahon ng medikal na emergency.

Ano ang sasabihin mo sa iyong mga doktor?
  • Ipinagbabawal ba ang aborsiyon hinggil sa medisina aborsyon sa bahay kung saan ka naninirahan? Ano ang maaari mong sabihin sa iyong mga doktor nang sa gayon ay maiintindihan nila ang tulong na kailangan mo, ngunit pinoprotektahan niyon ang iyong pagkapribado? Mayroon kaming ilang mungkahi kung kailangan mo ng tulong sa pag-iisip kung ano ang sasabihin.
  • Sa ilang bansa, ang aborsiyon hinggil sa medisina o mga aborsiyon sa bahay ay legal na ipinagbabawal. Nangangahulugan ito nakung kailangan mo ng tulong na medikal na emergency, maaaring kailangan mong maging maingat tungkol sa iyong sasabihin. Ang aborsiyon hinggil sa medisina ay may parehong mga simtomas gaya ng likas na pagkalaglag (kilala rin bilang 'spontaneous abortion'). Kung gayon, maari mong sabihin ang mga bagay tulad ng:

Mga Sanggunian:

Maaaring mangailangan ang website na ito ng mga hindi nagpapakilalang cookies at iba't ibang mga serbisyo ng pangatlong partido upang gumana nang maayos. Maaari mong basahin ang aming mga Tuluntunin at Kundisyon at mga Pribadong Patakaran . Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng site na ito ay binibigyan mo kami ng iyong pahintulot na gawin ito.